reply sa liham ni Padz.
isang araw pa lang naman ang lumipas nang makabalik kami galing Lubang, Occidental Mindoro pero fresh pa din sa utak ko ung mga alon na tumanggay ng overloaded naming bangka from Calatagan-Lubang and vise versa. feeling ko nga na-alon ang bahay namin. at nakaka-miss din gumising dahil sa alon ng katabi mong dagat. at maligo sa tabi ng balon. dati sa movies ko lang napapanood un pero posible din pala mangyari sa kin yun.
simple lang ang buhay sa Lubang pero masasabi kong masaya lalo na pag kasama mo ung mga tao na minahal mo at pinagbuklod ng Panginoon.
hindi na ko nagulat ng ibigay ni Padz ang mga liham. medyo may nakapagsabi sakin na may ganun ngang mangyayari pero hindi ko naman alam ang laman ng liham ni Padz.
kakagising ko lang nun bago sumikat ang araw. may pinagawa samin si pads "HINGALANGIN" ang tawag niya dun. kasi we were praying while breathing and looking at the horizon. silence. walang nagsasalita even though alam ko na may mga tao na tinatawag na ng kalikasan sa mga oras na iyon :))
nang mabasa ko ang unang letter ni Pads parang naiyak ako...
title pa lang...may something na eh..
"ANONG PLANO MO, ANAK?"
as if it was God calling and asking me a question.
i always knew what i wanted to be. since i was in my first grade i know that i wanted to become a doctor.
i don't care whatever means i have to do to get there but i have to get the thing that i want. i didn't pray for it, didn't ask Jesus to guide me because i was so sure that i can do it.
pride? maybe. wait. no. its definitely YES.
mayabang ako na alam ko na agad kung ano ung gusto ko. ni wala nga akong pakielam sa kung sino ang magbabayad para dun.
sabi ni Pads..."may pangarap ka anak..ngunit may pangarap din ang Diyos para sa'yo. at kailangang maging malapit ang sarili mong panagarap (life goal) at ung pangarap ni Lord (life call) sa isa't isa para magkaroon ka ng sense of peace, fulfillment at contentment sa sarili mo.
but while reading Pads' letter...i suddenly realized something..and i asked myself...did i include Jesus in my dreams and plans??? sinama ko ba Siya or binaliwala lang?
i remember before going in to medschool, i had a talk with Pads. i asked him if i should immediately go in or wait until i passed my LET exams. he really did not gave me a direct sige pasok na or wag muna anak kinda answer but he did gave me a parable.
he told me..God's will isn't the easy way. if you want to take His road..go for the road not taken. kahit hindi alam mong mahihirapan ka dahil sa desisyon mo yun ang piliin mo dahil yun ang tama. kahit hindi ka panatag sa desisyon mo dahil may mas madaling alternative yun pa din ang piliin mo.
so..the rest was history..i went in medschool and finished my first year. :)
Pads,
nais ko lang po kayong pasalamatan. you have made a very big impact in my life as well as in my family. iingatan ko po lahat ng ibinilin at itunuro mo po sa akin. hindi ko po kayang isaisahin ang mga iyon sa dami. alam ko po na alam nyo po ang lahat ng iyon.
ayoko pong umalis ka dito sa Bangkal pero it would be selfish of me not to share you as a blessing to others that are in need of you. i know that God has His ways and who are we to question Him.
i would always remember our conversations. you have helped me realized that i did include Jesus in my plans that is why maybe kahit nasa medschool na ko..i really could not stay away from OLFP.
i know a bunch of people who could concoct a million excuses to stay away and i am thankful to be excluded from that bunch at dahil yan sa mga turo mo po.
Pads you can be sure that i will still be serving the church and our Lord kahit hindi na ikaw ang parish priest. kahit na mahirap. i'll try. we'll all try.
ang tanging hiling ko lamang po sa inyo Pads eh alagaan ang sarili at ang kalusugan. mahal ka namin Pads and ayaw namin na magkasakit ka at maospital ulit. :)
salamat po ulit Father Dojie Asuncion, aking ama.
-kimpoy
No comments:
Post a Comment